I'm so happy!

Ang saya-saya ko last week :D Una, kasi first sina Raymond, Jeric at Paeng sa MTAP Sectorals kaya madali lang math perio namin (sabi ni Sir Nat). Tapos nanalo ng third ang Ateneo (syempre dahil kay d yon). Sunod, kasi nakadive na ako sa 8 feet! friends na kami ni mr. water. Last but not the least, nanalo ang Ateneo sa Regionals! Ang galing-galing nila! Lalo na ng crush ko! Kala ko nga Chiang Kai lang ang makakatalo sa Pisay. Yun pala Ateneo. Naghimala si d. Di pa nga nanalo Chiang Kai eh. Ah, basta! Galingan ng Ateneo sa Finals kung hindi....naku!

I'm so happy!

YMSAT Week

Hindi ko alam yung exact meaning ng YMSAT, basta ok lang yung YMSAT ngayong year na 'to. Hindi ko na kasi kailangan magbantay ng mga exhibits at umupo ng pagkatagal-tagal. At syempre, dahil hindi ko na-miss yung interscholastic! Yaiii! Nakilala ko ang bago kong crush at ang ganda rin ng smile niya. Taga-Ateneo siya at ang galing niya sa math. First siya dun sa interscholastic at siya pala yung nakatalo kay Ate Steph sa Math olympiad NCR division. At ang gwapo niya! Pati yung kuya niya na adik sa rubik's cube! Nakachat ko nga nung Wednesday :) Baka naman sabihin niyo obsessed na ako sa kanya... Hindi naman noh, bukambibig ko lang naman siya sa school at kahit naririndi na yung mga friends ko sa akin hindi pa rin ako tumitigil. Buti na lang si Kyla lang may type sa crush ko. Sina Felize, Ingrid at Mae kasi kay Adajar naadik. Ewan ko ba kung bakit...Anyways, first pa rin si Raymond sa Individual at first na rin sa wakas ang section niya sa Team Category! Go Alibutud! Pinakyaw niya tala ga lahat ng first.
Okay lang yun Strontium....magagaling pa rin kayo :)
Awww...matatapos na mamaya yung YMSAT. Back 2 school mode na naman...:(

Paskorus Champions!

Yeah! Champions kami sa Paskorus! First time toh ng karamihan ng strontium (except sina dondon, felize at iba pang opal '09) Nung una naghesitate pa akong sumali sa Paskorus kasi hindi naman required pero naconvince ako ni Mae na sumali. Buti na lang sumali ako! Talagang bigay na bigay kami kasi alam naming may pag-asa kaming manalo (Dondon pa naman eh every year nakakasali sa Finals yung section niya) Sobra talaga yung trust namin sa kanya at kay Kervin (Hurray to them!) Hindi nga kami sure na mananalo kami kasi sumabog yung Diwa ng Pasko namin. Bumilis ng todo yung tempo. Pero ang nakakashock, sabi nung judges solid yung voice namin dun sa Diwa ng Pasko. At never nacriticize yung alto (Gee, Mina, Patrice at Camille talaga!) Nakakatuwa talaga. Tapos nakita nila yung sincerity namin sa pagkanta which is true naman talaga. Kaya lang nung finals napaos ako :( Would you believe that? Grabe wrong timing ng boses ko. Anyways, congrats sa Strontium 2009! Best section ever! yung ibang contests balewala na sa akin. Sana kaklase ko uli tong mga taong toh (lalo na si Don...user ba?)

Merry Christmas and Happy New Year sa lahat! kita-kits sa Jan. 3 2008!

Bumalik na pala yung boses ko! Thank God!

Trip to Divisoria

Hehehe...Pumunta kami sa Divisoria nung Friday...Grabeh inis na inis talaga ako sa place...Unang-una: Maaga akong ginising ni Mama, 6 ata samantalang ang sarap-sarap matulog kasi ang lamiiiiiggggg....lamig. Tapos naghintay kami ng isang oras para sa jeep papuntang Blumentrit...Tapos dumating na kaming Divisoria...Ang daming tao, maputik, mabaho! Yak! May place pa nga dun yung mga tao parang mga sasakyan...di na makagalaw sa sobrang traffic.. Tapos ang yayabang pa nung ibang nagtitinda! Nakakainis talaga. Tapos konti lang naman yung binili namin tapos umuwi kami 2:00 na! Naku! Di na talaga ako babalik dun!

Congrats!

Yeah, Baby! Galing nina gee at gio! First sila dun sa Chem contest sa Ateneo! Yipee! Go! Well first rin pala si Don dun sa contest na sinalihan niya! Go Strontium!

Birthday nga pala ni Dastynne! Happy bday, Das!

Yun lang!:D

May Kris Kringle Camia:)

One Tree Hill

Nakakaadict pala yung One Tree Hill. Biruin niyo, wala na akong napapanood na anime o jdorama dahil sa one tree hill na 'yan! At naku! Pati yung crush ko nalilimot ko na! Nagfafade na yung pagkabaliw ko sa kanya kasi absorb na absorb ako kay James Lafferty ngayon! Ang gwapo!!! Macho pa!

Blogger Templates by Blog Forum